Kusa umanong isinuko ng ilang tindero ang mga pekeng sigarilyo na ibinebenta bilang tugon sa kampanya ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO).
PEKENG SIGARILYO, NAGKAKAHALAGA NG HIGIT ₱11,000, BOLUNTARYONG ISINUKO NG MGA TINDERO
Sa bayan ng Licab, isang 35-anyos na lalaking tindero, may asawa at residente ng Barangay Aquino, ang nagsuko ng sampung (10) ream ng Carnival Red cigarettes sa mga pulis noong Hunyo 1, 2026. Tinatayang nagkakahalaga ang mga isinukong produkto ng ₱6,560.00.
Samantala, sa bayan ng Llanera, isang 53-anyos na lalaking may-ari ng sari-sari store at residente ng Barangay Victoria ang nagsuko ng sampung (10) ream ng hinihinalang counterfeit na Dunston cigarettes sa mga pulis. Ang kabuuang halaga ng mga ito ay tinatayang nasa ₱4,800.00.
Nagpapakita umano ito ng patuloy na suporta ng komunidad sa kampanya ng NEPPO laban sa pagkalat ng mga pekeng produkto sa merkado.

