unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

FIRE INSPECTOR MULA TARLAC, NAGLIGTAS NG BUHAY SA JAPAN

Posted by philpiccio | Jun 3, 2026 | 0

FIRE INSPECTOR MULA TARLAC, NAGLIGTAS NG BUHAY SA JAPAN

Ipinamalas ng isang Fire Inspector mula Tarlac ang kabayanihan, malasakit, at mabilis na pagresponde sa isang emergency sa bansang Japan.

Kamakailan, tumulong si Fire Inspector (FINSP.) Vijoan Yumul, sa pagligtas ng isang bata.

Ang dalawang taong gulang na batang lalaki ay aksidenteng nahulog sa riles habang paparating ang mabilis na tren.

FIRE INSPECTOR MULA TARLAC, DUMALO SA IFCAA

Bago nangyari ang aksidente, kagagaling lang ni Yumul kasama ang iba pang Filipino Delegates sa event ng International Fire Chief’s Association of Asia o IFCAA sa lungsod ng Nagoya.

Sumakay sila sa bullet train patungong Kyoto nang biglang marinig ang malakas na sigaw ng isang ina sa istasyon.

Noong una ay akala ng grupo na bag lamang ang nahulog ngunit bata pala ang nasa riles.

FIRE INSPECTOR MULA TARLAC, AGAD NA TUMULONG SA BATANG NAHULOG SA RILES NG TREN

Dahil sa matinding panganib, mabilis na humingi ng saklolo ang mga Pilipino sa mga guwardiya ng train station.

Sinubukan din ni Yumul na abutin ang kamay ng bata habang paalis ang isa pang mabilis na tren.

Isang lalaking Japanese naman ang tumulong sa kabilang kamay ng biktima hanggang sa ligtas itong nakuha sa ibaba.

Matagumpay na nailigtas ang umiiyak na bata at wala naman itong nakuhang malubhang pinsala sa kanyang katawan.

Samantala, halos hindi na umano makatayo ang takot na ina dahil sa matinding pag-aalala sa anak noong oras na iyon.

FINSP. YUMUL, KASALUKUYANG NAGTATRABAHO SA BFP R2

Ang grupo ng mga Filipino Delegates ay nasa Japan para sa tatlong araw na pagdalo sa mga aktibidad ng IFCAA.

Sa kasalukuyan, ang fire inspector mula Tarlac na si Vijoan Yumul ay nagtatrabaho sa Bureau of Fire Protection o BFP Region 2.

Share:

PreviousPEKENG SIGARILYO SA LICAB, LLANERA, KUSANG ISINUKO SA PINAIGTING NA KAMPANYA NG NEPPO
NextBAGONG 3 TERM SCHOOL CALENDAR, GAGAMITING SANDATA NG DEPED PARA ISALBA ANG KRISIS SA PAGBASA

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

REPORMA SA EDUKASYON, TULOY; SEN. AQUINO, SUPORTADO SI SEN LEGARDA

REPORMA SA EDUKASYON, TULOY; SEN. AQUINO, SUPORTADO SI SEN LEGARDA

May 25, 2026

BE THE ONE NA HANDA SA BIG ONE

BE THE ONE NA HANDA SA BIG ONE

July 16, 2025

Money Bouquet na Barya: Viral na Regalo ng kanyang kuya sa Grade 10 Graduate

Money Bouquet na Barya: Viral na Regalo ng kanyang kuya sa Grade 10 Graduate

April 11, 2026

PALARONG PAMBANSA 2026: CENTRAL LUZON PATRIOTS, PASABOG ANG ENTRANCE!

PALARONG PAMBANSA 2026: CENTRAL LUZON PATRIOTS, PASABOG ANG ENTRANCE!

May 25, 2026

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .