Muling binigyang-diin ni Senador Bam Aquino sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ang mga anomalya sa flood control projects.
Kaugnay nito, hinimok niya ang mga ahensya ng pamahalaan na agarang resolbahin ang mga ito.
Ayon kay Aquino, hindi nakakalimutan ng publiko ang isyu dahil sa patuloy na pagbaha tuwing tag-ulan.
MGA SANGKOT SA ANOMALYA SA FLOOD CONTROL, DAPAT NANG MANAGOT
Kaya nanawagan siya sa DOJ, NBI, at Ombudsman na pabilisin ang kanilang mga imbestigasyon.
Dahil malapit na aniyang mag-isang taon mula nang banggitin ng Pangulo ang usaping ito sa SONA.
Kaya dapat nang mapanagot ang mga pangunahing personalidad kung may sapat na ebidensya laban sa kanila.
Muli rin niyang hinikayat ang 18 bodyguards na humarap sa mga susunod na pagdinig.
Dahil mahalaga aniyang marinig ang kanilang testimonya upang malinawan ang mga isyung iniimbestigahan.
Sa huli, sinabi ni Aquino na dapat pairalin ang batas nang patas para sa lahat.

