BATAS SA LUPA — Ang lupang ito ang pinanggagalingan ng pagkain, kabuhayan, at kultura ng maraming magsasaka at katutubo sa Baler.
Para sa kanila, ang lupa ay hindi lang pag-aari— ito ay bahagi ng kanilang pagkakakilanlan at pamumuhay.
Sa pagpasok ng mga batas tulad ng RA 9490 at RA 10083, itinatag ang APECO para sa pag-unlad ng ekonomiya ng lalawigan.
Para sa ilan, ito ay simbolo ng progreso. Pero para sa iba— ito ay simula ng pangamba

