unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

‘PROJECT LAWA AT BINHI,’ MAS PINALAWAK SA ZARAGOZA

Posted by philpiccio | Jun 16, 2026 | 0

‘PROJECT LAWA AT BINHI,’ MAS PINALAWAK SA ZARAGOZA

Nadagdagan pa ang bilang ng mga benepisyaryo ng ‘Project LAWA at BINHI’ o Local Adaptation to Water Access at Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished sa Zaragoza, Nueva Ecija.

Ito ay matapos ang matagumpay na pagpapatupad ng proyekto noong nakaraang taon.

Labis ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan sa Department of Social Welfare and Development o DSWD Region 3 at Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) dahil sa paglawak ng programang ito.

Layunin ng proyekto na makatulong sa mga vulnerable communities sa pamamagitan ng cash-for-work o cash-for-training habang sinusolusyunan ang kakulangan sa pagkain at tubig.

Ayon kay Eden Belmonte mula sa Zaragoza Municipal Social Welfare and Development Office, mula sa 100 na benepisyaryo sa Sto. Rosario Old noon ay nadagdagan ito ng 100 mula naman sa Sta. Lucia Old.

Sa loob ng sampung araw, babayaran sila ng DSWD ng 570 pesos bawat araw kapalit ng kanilang serbisyo.

Paliwanag pa ng DSWD, ang Project LAWA at BINHI ay nakatuon sa food security, water security, human security, at knowledge capacity development.

‘PROJECT LAWA AT BINHI,’ MAS PINALAWAK SA ZARAGOZA

Para sa food security, magtatanim ang mga benepisyaryo ng mga binhi ng gulay bilang mapagkukuhanan ng pagkain.

Samantala, ang water security naman ang magiging sagot sa El Niño sa pamamagitan ng pagbuo ng sariling lawa.

Mag-iipon dito ng tubig na gagamitin kapag mahina ang supply at pandilig sa mga pananim na gulay.

Kasabay nito, mayroon ding knowledge capacity development kung saan tinuruan ang mga benepisyaryo tungkol sa tamang pagpapatakbo ng proyekto.

Samantala, ayon sa Punong Barangay ng Sto. Rosario Old na si Reynaldo Domingo, marami ang natulungan sa kanilang barangay ng programa na ito.

Base sa kanilang karanasan, nag-alaga sila ng tilapia at nagtanim ng gulay na napakinabangan sa panahon ng anihan.

Naibebenta rin nila ang ibang ani para sa maintenance ng programa, at ang sobra ay ipinamamahagi sa mamamayan.

Nagpasalamat din ang Punong Barangay ng Sta. Lucia Old na si Agustin Bao Jr. sa biyayang ipinagkaloob sa kanila.

Aniya, malaking tulong ito sa pagme-maintain ng daluyan ng tubig at sa pagkakaroon ng kanilang sariling communal garden.

Share:

PreviousP67-B Classroom Fund, Inusisa ni Sen. Aquino Matapos Masira ang higit 1,000 Silid-Aralan sa Mindanao Earthquake
NextGURO, PLANONG MAGTRABAHO SA JAPAN, KABILANG SA MGA NAGSIPAGTAPOS SA LSI

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

Rehabilitation Center, balak ipatayo para sa mga Senior Citizens ng Talavera

Rehabilitation Center, balak ipatayo para sa mga Senior Citizens ng Talavera

June 1, 2016

Barya baryang rollback ng produktong petrolyo, walang epekto ayon sa tricycle drivers

Barya baryang rollback ng produktong petrolyo, walang epekto ayon sa tricycle drivers

September 15, 2022

Recycled hospital supplies, inirampa ng mga piling doktora sa Nueva Ecija Medical Society Fellowship Night

Recycled hospital supplies, inirampa ng mga piling doktora sa Nueva Ecija Medical Society Fellowship Night

October 1, 2019

PAGPAPARAMI NG ANIMAL BITE TREATMENT CENTER, SAGOT KONTRA TANDOK O ALBULARYO

PAGPAPARAMI NG ANIMAL BITE TREATMENT CENTER, SAGOT KONTRA TANDOK O ALBULARYO

December 16, 2022

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .