Malaking pasasalamat nina Sofia Domingo at Jaira Shane Torres na kabilang sa 97 na gumraduate sa Language Skills Institute na TESDA-accredited Technical Vocational Institution sa Old Capitol Compound noong ika-11 ng Hunyo, 2026.
Kumuha ng English Proficiency si Domingo sa LSI dahil makatutulong ito sa kaniyang pagiging isang Teacher I sa DepEd.
Ang midyear commencement exercise ng LSI ay binubuo ng tatlong kurso: programang Contact Center Services NC II, Japanese Language Culture, at English Proficiency.
Dinaluhan ang seremonya Ng ilang miyembro ng pamahalaang panlalawigan, kabilang sina LSI Program Director and PESO Provincial Manager Maria Luisa R. Pangilinan at Administrative Officer V Rose Ann E. Marcos, TESDA Provincial Office na nagbahagi ng maikling mensahe ng inspirasyon.

