unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

AZOLLA, BINAGO ANG BUHAY NG DATING FACTORY WORKER; KITA UMAABOT NA NG P3, 000 KADA ARAW

Posted by philpiccio | Aug 6, 2026 | 0

AZOLLA, BINAGO ANG BUHAY NG DATING FACTORY WORKER; KITA UMAABOT NA NG P3, 000 KADA ARAW

Azolla farm ang naging susi sa pagbabago ng buhay ng dating factory worker sa Laguna na si Alvin Villamar ng Barangay Banitan, Guimba, Nueva Ecija.

AZOLLA FARM, NAGING ALTERNATIBONG KABUHAYAN NG DATING FACTORY WORKER

Iniwan niya ang halos limang taong trabaho sa paggawa ng ATM machines. Sa halip, pinili niyang sundan ang hilig sa pagsasaka at pag-aalaga ng hayop.

Ayon kay Villamar, maayos ang kanyang sahod noon. Gayunpaman, hindi nawala ang kagustuhan niyang bumalik sa bukid.

Dito siya lumaki at ito rin ang pangunahing ikinabuhay ng kanilang pamilya, ngunit dahil sa pabago-bagong presyo ng palay at gulay, naghanap siya ng ibang paraan.

Pinasok niya ang pag-aalaga ng iba’t ibang hayop sa bukid, ngunit dahil sa mahal ang feeds ay nagsimula siyang maghanap ng mas murang alternatibo.

AZOLLA FARM, NAKATULONG SA PAGBABAWAS NG GASTOS

Sa pamamagitan ng sariling pananaliksik, nadiskubre niya ang Azolla. Isa itong aquatic fern na mayaman sa protina. Ginagamit din ito bilang alternatibong pakain sa livestock.

Noong 2021, nagsimula lamang siya sa maliit na lalagyan, kalaunan, pinalawak niya ito at nabuo ang mas malaking Azolla pond.

Sa kasalukuyan, nagsusuplay ito ng pagkain sa kanyang mga manok, bibe, baboy, kambing, at iba pang alaga. Dahil dito, malaki ang nabawas sa kanyang gastusin.

Aniya, mula sa halos P30,000 na buwanang gastos sa commercial feeds, bumaba ito sa humigit-kumulang P5,000 hanggang P7,000.

Dahil dito, mas lumaki ang natitipid niyang puhunan. Nagkaroon din siya ng dagdag na pondo para sa pagpapalawak ng kanyang sakahan.


NEGOSYO SA PAG-AALAGA NG HAYOP, LUMAWAK DAHIL SA AZOLLA

Bukod sa pagtitipid, gumawa rin si Villamar ng Azolla-based pellets na ibinebenta niya sa kapwa magsasaka.

Bukod dito, nagpapadala rin siya ng produkto sa iba’t ibang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao.

Habang dumarami ang mga bumibili, lalo ring lumawak ang kanyang merkado. Dahil dito, patuloy na lumalaki ang demand sa kanyang mga produkto.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Villamar na kumikita na ang kanyang Azolla farm ng P2, 000 hanggang P3, 000 kada araw.

Dahil sa negosyong ito, nabayaran niya ang dati niyang mga utang. Napaayos din niya ang kanyang sakahan.

Higit sa lahat, hinihikayat niya ang iba pang magsasaka na pag-aralan ang Azola bilang alternatibong pakain.

Aniya, makatutulong ito upang mapalaki ang kita at mabawasan ang gastos sa pag-aalaga ng mga hayop.

Share:

PreviousEXPIRED AGRICULTURAL PRODUCTS SA SUBIC, DINISPATYA NG BUREAU OF CUSTOMS
NextHINDI DISKWALIPIKADO SA SUSUNOD NA AYUDA ANG MGA HINDI NAKAKUHA NG UNANG P2,000 UPLIFT PAYOUT – DSWD

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

PINOY NA DATING NAGLALAKAD NANG NAKAPAA, ISA NANG MULTI-AWARDED SPED TEACHER SA AMERIKA

PINOY NA DATING NAGLALAKAD NANG NAKAPAA, ISA NANG MULTI-AWARDED SPED TEACHER SA AMERIKA

July 2, 2026

ISYU SA JUDGING: MGA ARTIST, NAGPAHAYAG NG DISMAYA SA CAVRASUC 2026

ISYU SA JUDGING: MGA ARTIST, NAGPAHAYAG NG DISMAYA SA CAVRASUC 2026

March 7, 2026

LANSANGAN: PALARUAN NA NAGING HULING HANTUNGAN NG ISANG BATA

LANSANGAN: PALARUAN NA NAGING HULING HANTUNGAN NG ISANG BATA

May 5, 2025

INA NA NAKALIGTAS SA NECROSIS MATAPOS ANG PANGANGANAK, IBINAHAGI ANG MAPAIT NA KARANASAN

INA NA NAKALIGTAS SA NECROSIS MATAPOS ANG PANGANGANAK, IBINAHAGI ANG MAPAIT NA KARANASAN

February 14, 2026

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .