Nagpulong sina Canada Prime Minister Mark Carney at Philippine President Ferdinand Marcos Jr. sa Vancouver para palakasin ang Canada-Philippines Strategic Partnership.
Inanunsyo ng dalawang lider ang bagong ugnayan ng bansa na magpapalalim sa kooperasyon sa trade, energy, defence, at tourism.
Ayon sa press release ng Prime Minister of Canada, dahil sa mas mapanganib na mundo sa kasalukuyan, nakatutok sila ngayon sa pagpapalawak ng pakikipagtulungan sa ibang bansa.
Bagong Pagkakataon sa Canada-Philippines Strategic Partnership
Layunin ng kasunduan na matapos ang negosasyon para sa isang free trade agreement bago matapos ang taong ito.
Inaasahang magpapatriple ito sa bilateral trade sa taong 2035 at magdadala ng export opportunities sa agriculture at forest products.
Maliban dito, tinatapos din ang Canada-ASEAN free trade agreement sa ilalim ng ASEAN Chairship ng bansa ngayong taong 2026.
Ayon pa sa press release, magdaragdag ito ng $2 bilyon sa Gross Domestic Product ng Canada at makakagawa ng halos 14,000 na bagong trabaho.
Bukod dito, nagkasundo ang dalawang bansa na magtulungan sa sektor ng enerhiya at mining para sa sustainable supply chains.
Nagkaroon din ng Joint Declaration of Intent concerning Energy and Natural Resources Cooperation at Technical Assistance Partnership para rito.
Mas Matatag na Defence sa Canada-Philippines Strategic Partnership
Samantala, magiging aktibo na rin sa lalong madaling panahon ang Status of Visiting Forces Agreement ng dalawang bansa.
Kasunod ito ng nilagdaang Mutual Logistics Support Arrangement at Statement of Intent on Strengthening Defence Cooperation noong nakaraang buwan.
Magbibigay-daan ang kasunduan na ito para sa mas malapit na joint military exercises ng mga sundalo ng dalawang bansa.
Layunin ng hakbang na ito na palakasin ang seguridad at ang military presence ng Canada sa Indo-Pacific region.
Proteksyon at Turismo para sa mga Mamamayan
May nilagdaan ding dalawang Memorandum of Understanding para sa turismo, kultura, at sining ng dalawang bansa.
Mapapadali nito ang paglalakbay at pagtutulungan ng mga mamamayan lalo na at may isang milyong Filipino Canadians sa kasalukuyan.
Nagkasundo rin ang dalawang bansa sa isang Joint Declaration of Intent on Labour and Migration para sa mga manggagawa.
Layunin nito na magbigay ng proteksyon sa migrant workers at isulong ang ethical recruitment para sa ligtas na komunidad.

