ILEGAL NA SIGARILYOPatuloy na pinaiigting ng Police Regional Office 3 ang kampanya laban sa ilegal na sigarilyo sa Central Luzon.
Kaya nitong April 6 at 7, 2026 mahigit ₱1.38 milyong halaga ng kontrabandong sigarilyo ang nasamsam sa Nueva Ecija at Pampanga.
Sa Zaragoza, Nueva Ecija, naharang sa checkpoint ang isang puting Nissan Urvan bandang alas-11:30 ng gabi.
Narekober sa operasyon ang 85 kahon ng ilegal na sigarilyo na nagkakahalaga ng ₱1.02 milyon.
Agad namang inaresto ang drayber at helper dahil nabigo umano silang magpakita ng legal na dokumento.
Bukod dito, nagsagawa ng buy-bust operation sa Arayat, Pampanga bandang alas-12:20 ng tanghali noong Abril 7.
Dahil dito, naaresto ang isang 43-anyos na suspek sa paglabag sa National Internal Revenue Code.
Kasunod nito, nakumpiska ang 19 kahon ng ilegal na sigarilyo na nagkakahalaga ng ₱360,000.
Narekober din ang isang sasakyan, habang patuloy pang tinutugis ang isa pang suspek na nakatakas.
Ayon sa pulisya, lahat ng nakuhang sigarilyo ay walang tax stamps mula sa Bureau of Internal Revenue.

