Inihain ni Senator Bam Aquino ang Fuel Price Freeze Bill dahil sa banta ng ₱170 kada litro diesel.
Posibleng umabot sa ₱120 kada litro ang gasolina ngayong linggo dahil sa tensyon sa Middle East.
Layunin ng panukala na gawing “basic necessities” ang diesel at gasolina sa ilalim ng batas.
FUEL PRICE FREEZE BILL, SOLUSYON SA TUMATAAS NA PRESYO NG DIESEL AT GASOLINA
Sa ganitong paraan, maaaring magpatupad ang gobyerno ng price freeze sa panahon ng national emergency.
Sa kasalukuyang Price Act, pagkain at LPG lamang ang sakop ng price control.
Hindi kabilang ang diesel at gasolina kahit kritikal ito sa transportasyon at presyo ng pagkain.
Sa panukala, palalawigin ang price freeze mula 15 to 30 days.
Layunin nitong mapanatili ang stability ng presyo sa gitna ng pandaigdigang krisis.
Nagbabala si Aquino na hindi dapat mag “wait-and-see” ang Pilipinas sa supply issues.
Dapat aniyang suportahan ang mga manggagawa at pigilan ang pagtaas ng presyo ng pagkain.
Tumataas din kasi ang presyo ng pagkain kapag tumataas ang presyo ng gasolina.
Pero, ipinaliwanag niyang gagamitin lamang ang “extreme powers” sa tunay na emergency.
Bukod dito, itinutulak din niya ang suspensyon ng VAT at excise tax sa langis.
Kung maaaprubahan, maaaring bumaba ng halos ₱20 kada litro ang presyo ng petrolyo.
Malaking ginhawa ito para sa mga drayber, magsasaka, at karaniwang mamamayan.

