unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

‘GHOST PRIESTS’ SA HAGONOY, IBINUNYAG NG KURA PAROKO

Posted by philpiccio | Jun 5, 2026 | 0

‘GHOST PRIESTS’ SA HAGONOY, IBINUNYAG NG KURA PAROKO

Ibinunyag ng Parish Rector na si Rev. Fr. Jose Rodel Ponce ang umano’y anomalya tungkol sa mga ‘Ghost Priests’ sa Hagonoy, Bulacan.

Ayon sa kura, mayroong naganap na iregularidad sa pondo ng munisipyo para sa nakalipas na thanksgiving celebrations noong buwan ng Abril.

Ipinakita ng pari sa Facebook Live habang nasa misa sa National Shrine and Parish of St. Anne, ang mga opisyal na dokumento mula sa Commission on Audit Treasurer’s Office at record section.

Batay sa mga ulat, naglabas ang lokal na pamahalaan ng daan-daang libong piso para sa stipend o bayad sa mga paring nagmisa.

Dahil dito, kinuwestiyon ng paroko ang dokumento dahil hindi naman umano nakarating sa kanila o sa simbahan ang nasabing malaking halaga ng pera.

Sa mga hawak na rekord ng parish rector, lumilitaw na daang-daang libong piso ang ibinayad para sa tatlong araw na Novena o Triduo.

Umaabot sa P40,000 ang ginastos sa Triduo ngunit wala naman itong maayos na liquidation o opisyal na ulat.

Nakasaad din sa dokumento na may sampung pari raw ang nagmisa at nakatanggap ng tig-P10,000 bilang stipend.

Maliban pa rito, may sampung “co-celebrants” o mga sumamang pari na binayaran din umano ng tig-P10,000.

Habang tumanggap naman daw ng P20,000 ang mismong “celebrant” o ang pari na nagmisa.

Mariing pinabulaanan ng parish rector na tumanggap ang simbahan ng anumang pera para sa selebrasyon sa mga nakalipas na taon.

Aniya, walang sampung pari ang nakilahok sa mga nagdaang pagdiriwang na ginanap sa kanilang bayan.

Dagdag pa niya, palaging transparent o bukas ang kanilang simbahan pagdating sa lahat ng nalilikom na donasyon at pera.

Labis na ikinalungkot ng pari ang pangyayari dahil ginagamit umano ang simbahan at ang kanilang patron na si Santa Ana sa pansariling interes.

Samantala, habang isinusulat ang balitang ito ay walang pang inilalabas na official statement ang mga awtoridad patungkol sa isyu ng mga naturang ‘Ghost Priests’ sa Hagonoy.

Share:

PreviousHIGIT P87K NA ILEGAL NA SIGARILYO, NASAMSAM NG NEPPO SA IBA’T IBANG LUGAR SA NUEVA ECIJA
NextEXPIRED NA GAMOT: TULFO, PINAIIMBESTIGAHAN ANG BILYONG PISONG PAG-AAKSAYA SA DOH

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

SMUGGLED AGRI PRODUCTS NA NAHARANG SA PORT OF SUBIC, ZAMBALES, NAGMULA UMANO SA CHINA

SMUGGLED AGRI PRODUCTS NA NAHARANG SA PORT OF SUBIC, ZAMBALES, NAGMULA UMANO SA CHINA

July 9, 2025

DENR AT NEPG, MAGTATAHI NG KASUNDUAN PARA SA KALIGTASAN NG MGA WILD ANIMALS

DENR AT NEPG, MAGTATAHI NG KASUNDUAN PARA SA KALIGTASAN NG MGA WILD ANIMALS

May 14, 2024

NIREDTAG NA LIDER-ESTUDYANTE NAGREKLAMO SA COMELEC AT CHR NG REGION III

NIREDTAG NA LIDER-ESTUDYANTE NAGREKLAMO SA COMELEC AT CHR NG REGION III

April 26, 2025

Top News sa Cebu: Pamahalaan, Pinaiigting ang Paghahanda at Serbisyo sa Lalawigan

Top News sa Cebu: Pamahalaan, Pinaiigting ang Paghahanda at Serbisyo sa Lalawigan

December 19, 2025

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .