Agad na isinalang ni Senador Bam Aquino ang Masustansyang Pagkain Para sa Batang Pilipino Act sa pagbubukas ng special session ng Senado.
Layunin ng Senate Bill No. 2272 na amyendahan ang Republic Act No. 11037 upang palakasin ang national nutrition program.
Target ng panukala na mabawasan ang stunting at malnutrisyon ng mga batang Pilipino sa pamamagitan ng mas pinalawak na programa.
Ayon kay Aquino, hindi malulutas ang krisis sa edukasyon kung nananatiling gutom at kulang sa nutrisyon ang mga mag-aaral.
Binigyang-diin niyang ang malusog na bata ay may mas malaking pagkakataong magtagumpay sa pag-aaral at buhay.
MASUSTANSYANG PAGKAIN PARA SA BATANG PILIPINO ACT, UNANG ISINULONG NI SEN. BAM AQUINO SA SPECIAL SESSION
Bukod sa feeding program, isinusulong din niya ang Last Mile and GIDA Schools Act para sa paaralan, kalsada, at internet sa malalayong komunidad.
Patuloy rin niyang pinatatatag ang libreng matrikula sa kolehiyo at iba pang panukalang magpapalawak ng pagkakataong makapag-aral.
Kaugnay nito, nanawagan si Aquino na magtulungan ang pamahalaan, pribadong sektor, at mga komunidad para mapaunlad ang kinabukasan ng kabataang Pilipino.

