Mushroom fruit bags ang nagsisilbing dagdag na pagkakakitaan para sa mga ina sa komunidad ng Claretian Missionaries sa Nueva Ecija.
Ito’y matapos silang maging benepisyaryo ng mushroom fruit bags mula sa proyekto ng Kapitolyo na inilunsad nina Governor Oyie Umali at Vice Governor Lemon Umali.
Dahil dito, ang mga dating umaasa lang sa paglalaba, pagtitinda ng gulay, at pagdedeliber ng tinapay ay mayroon nang sariling mapagkukuhanan ng pera.
Para sa mga benepisyaryo, ang pag-aalaga ng kabute ang nakatulong sa kanilang pangangailangan.
Ayon kay Maria, malaking tulong ang natanggap niyang dalawang sako ng fruit bags dahil hindi na niya kailangang bumili ng ulam.
Bukod pa rito, pwede pa niyang ibenta ang mga sobra niyang harvest.
Gayundin si Analyn, na nagsabing sa gitna ng hirap ng buhay, kampante siya na mayroon silang mapagkukuhanan ng pagkain.
Ayon kay Sister Gerlin Gaban, ang pag-aalaga ng kabute ang isa sa pinaka-praktikal na solusyon para sa mga walang mapagkakitaan.
Bukod sa madaling alagaan, masustansya aniya itong ihalo sa mga ordinaryong putahe gaya ng gulay o i-prito kasama ang itlog.
Suporta para sa Novo Ecijano
Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatibo, pinatutunayan ng Pamahalaang Panlalawigan ang malasakit at tunay na serbisyo sa mga Novo Ecijanos.

