unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

NUCLEAR FINANCING BAN SA BATAAN, IPINAPABALIK NG NFBM

Posted by philpiccio | Jun 18, 2026 | 0

NUCLEAR FINANCING BAN SA BATAAN, IPINAPABALIK NG NFBM

Tutol ang grupo na Nuclear-Free Bataan Movement (NFBM) sa bagong desisyon ng Asian Development Bank (ADB) na alisin ang nuclear financing ban sa Bataan.

Ayon sa grupo, mapanganib ang hakbang na ito sa kalikasan, ekonomiya, at kaligtasan ng publiko sa bansa.

Maliban dito, binalikan ng NFBM ang naging karanasan ng bansa sa pagpapatayo ng Bataan Nuclear Power Plant.

Matatandaan na hindi kailanman nakapag-produce ng kuryente ang Bataan Nuclear Power Plant kahit na napakalaking pondo ang inilaan ng pamahalaan dito.

Umabot sa humigit-kumulang $2.3 billion ang kabuuang foreign debt ng pamahalaan para sa proyekto.

Dahil dito, sinabi ni NFBM Council Member Elpidio Avellanoza na pwedeng maulit ang ganitong utang sa bansa.

Samantala, iginiit ng grupo na high-risk ang Pilipinas sa nuclear power dahil madalas makaranas ng lindol ang bansa.

Ipinaalala rin nila na malapit sa Mt. Natib ang lokasyon kung saan nakatayo ang planta.

Kinuwestiyon din ng NFBM ang kawalan ng konsultasyon ng ADB sa mga komunidad na maaapektuhan ng proyekto.

RENEWABLE ENERGY PROJECTS, PANAWAGAN NG NFBM

Kaugnay nito, kamakailan ay nagkaroon ng public hearing ang Sangguniang Bayan ng Morong para sa isang panukalang ordinansa.

Layunin ng ordinansa na gawing Non-Nuclear Use Zone ang Morong at ipagbawal ang rehabilitasyon sa BNPP.

Bawal din ang paggawa ng kuryente mula sa nuclear at pagtatapon ng nuclear waste sa loob ng bayan.

Pinag-usapan sa meeting ang kaligtasan ng komunidad, kalikasan, at ang kapakanan ng mga susunod na henerasyon.

Kaya naman, patuloy ang panawagan ng NFBM na ibalik ang nuclear financing ban at palawakin ang mga renewable energy projects sa buong Asya.

Share:

PreviousMAG-ASAWANG PASTOR NAGBAHAGI NG PATOTOO NG PANANAMPALATAYA AT MGA HIMALA SA GITNA NG PAGSUBOK
NextPURA LUKA VEGA, MULING NAGING SENTRO NG DISKUSYON DAHIL SA PAGLAHOK SA COMMUNION SERVICE

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

VIRAL RESCUE RIDE: MAG-ASAWA, UMALALAY SA MAGKAPATID NA NANGHINGI NG SAKAY

VIRAL RESCUE RIDE: MAG-ASAWA, UMALALAY SA MAGKAPATID NA NANGHINGI NG SAKAY

December 14, 2025

BAKIT SARADO PA? PAGBUBUKAS NG CLLEX SA CABANATUAN, NAANTALA PA RIN!

BAKIT SARADO PA? PAGBUBUKAS NG CLLEX SA CABANATUAN, NAANTALA PA RIN!

March 4, 2026

SENTIMENTAL VISIT NG COMMANDER NG POLICE SOUTHERN LUZON, MASAYANG NAIDAOS SA NUEVA ECIJA PROVINCIAL POLICE OFFICE

SENTIMENTAL VISIT NG COMMANDER NG POLICE SOUTHERN LUZON, MASAYANG NAIDAOS SA NUEVA ECIJA PROVINCIAL POLICE OFFICE

June 22, 2024

SIDEWALK LIBRARY SA MAKATI, MULING PINAG-UUSAPAN SA SOCIAL MEDIA

SIDEWALK LIBRARY SA MAKATI, MULING PINAG-UUSAPAN SA SOCIAL MEDIA

May 7, 2026

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .