Sa programang Count Your Blessing ni Former Governor at Congresswoman Czarina “Cherry” D. Umali, ay ibinahagi nina Pastor Raymund at Sister Lolit Bundoc ang kanilang inspirasyong patotoo, kung saan kanilang tinalakay ang mga pagsubok at himalang kanilang naranasan bilang mag-asawa at lingkod ng Diyos.
Ayon kay Pastor Raymund, dumaan sila sa matinding problemang pinansyal at mga hamon sa ministeryo, ngunit nanatili silang matatag dahil sa kanilang pagtitiwala sa Panginoon.
Samantala, ikinuwento ni Sister Lolit ang himalang kanyang naranasan matapos siyang makaligtas sa isang ectopic pregnancy at magkaanak ng kambal sa kabila ng mababang posibilidad ayon sa mga doktor.
Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagiging matatag bilang asawa, ina, at pastor’s wife sa gitna ng mga pagsubok.
Hinikayat ng mag-asawa ang mga manonood na huwag mawalan ng pag-asa, patuloy na panghawakan ang Salita ng Diyos, at matutong maghintay sa tamang panahon ng Panginoon.
Anila, ang pananampalataya, pagtitiyaga, at pagtitiwala sa Diyos ang naging susi upang malampasan nila ang bawat hamon sa buhay.

