Pansit sa Cabanatuan — Dinadayo ngayon sa Cabanatuan City ang “Hidden Primitive,” isang pansitan na kilala sa kakaibang lasa ng Batil Patong.
Itinatag ni Edison Rivera noong 2021, mabilis itong sumikat dahil sa panibagong timpla na naiiba sa karaniwang pansit sa lugar.
Tampok sa kanilang menu ang Super Overload sa halagang P150, Overload na P120, at ang kanilang ipinagmamalaking Batil Patong na nagkakahalaga ng P70 hanggang P90.
Mayroon din silang Sisig Pansit sa halagang P120 at Pork Silog na P110 na patok sa mga suki.
Bukod dito, inaalok din ang iba’t ibang combo meals gaya ng Binabad at Tocino sa halagang P120 at marami pang iba.
Ayon sa mga customer, sulit sa presyo at dami ang bawat serving kaya’t paulit-ulit silang bumabalik.
Patunay ang Hidden Primitive na ang masarap na pagkain at abot-kayang presyo ang tunay na susi sa patok na negosyo.

