Bukas ang Pilipinas sa Philippines-Russia Nuclear Energy Partnership para sa pagpapaunlad ng nuclear energy program ng bansa.
Inihayag ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang interview sa Russia Today (RT) habang nasa Kazan, Russia.
Ayon sa Pangulo, tinitingnan ng bansa ang mga bagong nuclear technology ngayon para sa sapat na suplay ng kuryente.
SMRs Target sa Philippines-Russia Nuclear Energy Partnership
Kaugnay ng Philippines-Russia Nuclear Energy Partnership, interesado ang Pilipinas sa teknolohiya ng small modular reactors o SMRs.
Sinabi ni Marcos na ang Russia ang pinaka-advanced pagdating sa paggawa ng mga SMRs sa buong mundo.
Kaya naman, malaki ang maitutulong ng kooperasyon na ito dahil may magagandang teknolohiya ang Russia na pwedeng pakinabangan ng bansa.
Solusyon sa mga Isla Dala ng Partnership
Ang desisyon na ito ay dahil ang Pilipinas ay mayroong higit sa 7,600 na mga isla.
Dahil sa sitwasyon ng bansa, imposible na magkabit ng mga submarine cable sa bawat lugar na nangangailangan ng kuryente.
Ngunit dahil sa SMRs na may kapasidad na 70 hanggang 300 megawatts, kaya nitong magbigay ng kuryente sa isang buong isla.
Kakayahang Palawakin ang Teknolohiya sa Hinaharap
Makatutulong ang mga maliliit na reactor na ito para magka-kuryente ang mga komunidad sa mga malalayong lugar.
Bukod sa ito’y maliiy, madali rin itong dagdagan ng mga bagong unit kung lalaki ang demand sa kuryente.
Kaya naman, tinitingnan ng pamahalaan ang teknolohiyang ito bilang isa sa mga pinaka-epektibong solusyon para sa Pilipinas.

