Babala! Sensitibong Balita:
Naaresto sa Angeles City ang tatlong Koreano matapos salakayin ng pulisya sa isa umanong illegal online gaming operation.
Hindi pinangalanan ang mga suspek na edad 43, 55, at 33 na nadakip sa isang apartment sa Purok 6, Barangay Anunas.
Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Police Station 4 ng Angeles City Police Office noong gabi ng June 15, 2026.
Nag-ugat ang pagsalakay sa reklamo ng dalawang ina tungkol sa madalas na pananatili ng kanilang mga menor de edad na anak sa naturang lugar.
2 MENOR DE EDAD, PINAGTATRABAHO NG MGA KOREANO SA ILLEGAL ONLINE GAMING OPERATION SA ANGELES CITY
Sa imbestigasyon, natuklasang pinagtatrabaho umano ang dalawang menor de edad sa online game na “Lineage Classic.”
Ayon sa pulisya, nagtatrabaho ang mga biktima mula 6:00 PM hanggang 6:00 AM.
Kinakailangan umano nilang maabot ang itinakdang arawang quota kapalit ng ₱500 na bayad.
Kinumpirma rin ng mga awtoridad na walang kaukulang permit at employment authorization ang operasyon.
Naisumite na sa social welfare authorities ang dalawang nasagip na menor de edad para sa kaukulang interbensyon.
Samantala, nasa kustodiya ng pulisya ang tatlong suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9208 at RA 7610.

