Pinangunahan ni Vice Governor Gil Raymond “Kuya Lemon” M. Umali, ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mahigit 400 benepisyaryong Novo Ecijano sa isinagawang Crisis Intervention Program ng Provincial Social Welfare and Development Office sa Old Capitol, Cabanatuan City.
Kabilang sa ipinamahaging ayuda ang financial assistance, mortuary assistance, at suporta para sa mga sumasailalim sa dialysis at chemotherapy.
Ayon kay Shirley Ann Angeles, ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), layunin ng programa na maabot ang mga nangangailangang residente mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang ilang benepisyaryo dahil malaking tulong umano ang natanggap nilang ayuda lalo na sa pagpapagamot at pagbili ng maintenance medicine.
Hinikayat din ng tanggapan ang publiko na huwag mag-atubiling lumapit sa kanilang opisina para sa mga programang pang-ayuda ng pamahalaang panlalawigan.

