unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

MINOR BASILICA SA PAMPANGA, INAASAHANG MAGPAPATIBAY SA DEBOSYON NG MGA KAPAMPANGAN

Posted by philpiccio | Jun 19, 2026 | 0

MINOR BASILICA SA PAMPANGA, INAASAHANG MAGPAPATIBAY SA DEBOSYON NG MGA KAPAMPANGAN

Inaasahang magpapalalim at magpapatibay sa pananampalataya ng mga Katolikong Kapampangan ang naging pagkilala sa kauna-unahang Minor Basilica sa Pampanga.

Nitong Martes ay pormal nang iprinoklama ang Holy Rosary Parish na kilala sa tawag na Pisamban Maragul bilang Minor Basilica.

Pinangunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Most Rev. Charles J. Brown ang solemn proclamation na dinaluhan ng libo-libong deboto.

KAUNA-UNAHANG MINOR BASILICA SA PAMPANGA, NAGING MAKASAYSAYAN

Ang titulong Minor Basilica ay ibinibigay ng Santo Papa sa mga simbahan na may historical, architectural, at spiritual na kahalagahan.

Ito rin ay nagsisilbing simbolo ng espesyal na ugnayan ng isang lokal na simbahan sa Roma at sa Santo Papa.

Ang pagtaas sa katayuan ng parokya ay patunay sa spiritual heritage ng simbahan at ang matagal ng devotion kay Our Lady of the Most Holy Rosary.

Dahil sa mahalagang tungkulin nito bilang center of worship at evangelization, opisyal na itong naging kauna-unahang Minor Basilica sa Pampanga.

Matatandaan na noong February 2026, opisyal itong itinaas sa bagong ranggo ni Pope Leo XIV dahil sa taglay nitong historical at pastoral importance.

PAPAL NUNCIO, SINALUBONG NG MGA DEBOTO SA MINOR BASILICA SA PAMPANGA

Kaya kamakailan, nag-tipon ang mga residente at deboto upang saksihan ang tagumpay ng parokya.

Mainit na tinanggap ng kaparian, mga local officials, clergy, at mga religious leaders ang Papal Nuncio para sa isang thanksgiving celebration.

Sa isang opisyal na pahayag, nakiusap din ang parokya na patuloy na ipagdasal ang tagumpay ng makasaysayang pagkilala na ito.

SAGRADONG SEREMONYA, HIGHLIGHT SA PAGDIRIWANG

Kabilang sa mga highlights ng pagdiriwang ang mga sagradong proclamation rites tulad ng Kissing of the Cross at panalangin ng Nuncio.

Kasunod nito, isinagawa rin ang paghahayag ng official marker na nagpapatunay sa mataas na katayuan at spiritual significance ng parokya.

Sa kabuuan, ang pagkilalang ito ay magsisilbing inspirasyon sa mga Katolikong Kapampangan upang mas lalo pang pag-igtingin ang kanilang pananampalataya.

Share:

PreviousBAGONG SHS CURRICULUM IPINATUPAD NA; DEPED NAGLUNSAD NG RETRAINING SA MGA GURO
NextMASUSTANSYANG PAGKAIN PARA SA BATANG PILIPINO, UNANG PANUKALANG ISINALANG SA MULING PAGBUBUKAS NG SENADO

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

DRUG-FREE WORKPLACE CERTIFICATION: 6 LGUs SA CENTRAL LUZON KINILALA

DRUG-FREE WORKPLACE CERTIFICATION: 6 LGUs SA CENTRAL LUZON KINILALA

May 11, 2026

2 AETA MULA ANGELES CITY, KAUNA-UNAHANG IP SA LUNGSOD NA NAKAPASA SA SOCIAL WORKER LICENSURE EXAM

2 AETA MULA ANGELES CITY, KAUNA-UNAHANG IP SA LUNGSOD NA NAKAPASA SA SOCIAL WORKER LICENSURE EXAM

October 2, 2025

SARIWANG OKRA NG TARLAC, WORLD-CLASS

SARIWANG OKRA NG TARLAC, WORLD-CLASS

January 9, 2026

DAGDAG SAHOD SA GITNANG LUZON, IPAPATUPAD NGAYONG ABRIL

DAGDAG SAHOD SA GITNANG LUZON, IPAPATUPAD NGAYONG ABRIL

April 18, 2026

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .