Pinatunayan ng bartender mula sa Zambales ang kanyang husay matapos iuwi ang kampeonato sa Philippine Flair Wars 2026.
Kinilala ang kampeon na si Sean Paul Rabago, 3rd-Year student ng Bachelor of Science in Hospitality Management (BSHM) mula sa President Ramon Magsaysay State University (PRMSU).
Ginanap ang 16th Annual National Bartending Championship noong June 18, 2026 sa Kai Mall North sa Caloocan City.
Ang patimpalak na ito ay inorganisa ng mga professionals mula sa pangkat ng Philippine Flair Coalition.
Matapos ang laban, tinalo ni Rabago ang mahigit 46 na kalahok mula sa iba’t-ibang unibersidad sa Pilipinas.
Ipinamalas niya ang kanyang kakaibang talento, kumpiyansa, at bilis sa pag-ikot ng bote sa likod ng bar.
Maliban sa trophy bilang kampeon, humakot din ang pambato ng Zambales ng iba’t-ibang parangal.
Nakuha niya ang mga titulong Best in Flair, Best in Working Flair, at maging Best in Bartender’s Attire.
Nasungkit din niya ang Kai Mall Best PFW 2026 Performer, at Kai Mall Best PFW Attire 2026.
Kabilang din siya sa Placers para sa PFW 2026 Multimedia Category.
Sa Facebook po ni Rabago, pinasalamatan niya ang pamunuan ng PRMSU, lalo na ang mga gumabay sa kanya mula sa BSHM Program ng unibersidad.
Nagpasalamat din siya sa suporta ng Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales, pati na rin sa buong komunidad ng probinsya.

