Kinilala ang Cabog-Cabog Integrated School (CCIS) sa Balanga, Bataan bilang Top 10 finalist sa World’s Best School Prizes 2026.
Sila ang tanging paaralan na kumakatawan sa Pilipinas sa Environmental Action category ng kompetisyon.
Nakamit ng paaralan ang tagumpay dahil sa kanilang programang “TATAK KOMUNIDAD: Bayanihan para sa Gulayan ng Paaralan.”
Sa pamamagitan ng programang ito, ginawang “living laboratory” ang paaralan, kung saan pinagsasama ang sustainable agriculture at makabagong teknolohiya sa pag-aaral.
Ginagamit ng mga mag-aaral ang hydroponics at robotics sa kanilang school garden.
Sa tulong din ng komunidad, nakakagawa ang paaralan ng organic fertilizer mula sa mga basura.
Mayroon ding “School-to-Table” system kung saan ginagamit ang mga gulay sa feeding program.
Umabot sa 99% self-sustainability ang pondo ng paaralan para sa kanilang mga makabagong programa.
Bago pa ang pagkilala na ito, dalawang beses nang naging Hall of Fameee ang paaralan sa Region III Gulayan sa Paaralan competitions.
Nakakuha sila ng markang higit sa 96% para sa sustainability, productivity, at community involvement.
Samantala, maglalaban laban ang Top 10 finalists sa pamamagitan ng botohan sa website ng World’s Best School Prizes 2026.
Bukas ang public voting para sa patimpalak hanggang October 29, 2026, habang iaanunsyo naman ang mga mananalo sa November 2026.

