ABOT-KAYANG PRESYO: Sa gitna ng matinding init ngayong summer, dinarayo ng mga mamimili ang Adina’s Food House dahil sa kanilang fresh fruit juices na nagkakahalaga lamang ng P30 hanggang P70 depende sa laki.
Iba’t ibang flavors tulad ng avocado, mangga, melon, watermelon, at pineapple ang kanilang inaalok na swak sa panlasa at budget ng customers.
Bukod dito, mabibili rin ang kanilang halo-halo sa halagang P65 hanggang P85 at Mango Graham Shake na nagre-range mula P70 hanggang P120.
ABOT-KAYANG PRESYO NG FRESH FRUIT JUICES AT LIBRENG LUGAW
Mayroon din silang sandwiches na nagkakahalaga ng P20, pati na pasta at pansit na mabibili mula P40 hanggang P70.
Tampok din ang kanilang lomi, chaopan rice at sisig meals na may presyong P49 hanggang P109
Samantala, patok na patok rin sa mga low-budget na mamimili ang kanilang libreng lugaw na patuloy na tinatangkilik ng publiko.

