unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

PANAHON NG GAWAT SA NUEVA ECIJA, HAMON SA KABUHAYAN AT LOKAL NA EKONOMIYA

Posted by philpiccio | Jul 1, 2026 | 0

PANAHON NG GAWAT SA NUEVA ECIJA, HAMON SA KABUHAYAN AT LOKAL NA EKONOMIYA

Muling nararanasan sa ilang bahagi ng Nueva Ecija ang panahon ng gawat, kung kailan pansamantalang humihina ang kita ng mga magsasaka habang naghihintay ng susunod na anihan.

Dahil dito, hindi lamang mga magsasaka kundi maging ang mga manggagawang bukid, maliliit na negosyante, at ilang mamimili ang nakararanas ng epekto ng mabagal na sirkulasyon ng pera sa mga komunidad.

Ayon sa mga magsasaka, malaking hamon ang panahong ito dahil limitado ang pinagkukunan ng kita bago muling makapag-ani.

Samantala, inaasahan naman ng sektor ng agrikultura na makatutulong ang mga programa ng pamahalaan upang mabawasan ang epekto ng gawat at masuportahan ang kabuhayan ng mga apektadong pamilya.

Ayon kay Dr. Jason L. De Guzman, ipinatutupad ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Food Council, alinsunod sa direktiba ng Pangulo at sa pangunguna nina Governor Aurelio “Oyie” M. Umali at Vice Governor Gil Raymond “Kuya Lemon” Umali, ang mga programang pamamahagi ng vegetable seed kits, pamamahagi ng libreng bigas at paghahatid ng P20 kada kilong bigas sa bawat barangay upang makatulong sa mga pamilyang apektado ng gawat.

Share:

PreviousNORTH KOREA NUCLEAR NAVY, PINALAKAS NI KIM JONG UN
NextRIDER, PATAY MATAPOS MASABIT SA TRUCK SA STA. ROSA

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

Paglagda ni Gov. Cherry sa rice on credit ng NFA, aprub sa SP sa unang pagbasa

Paglagda ni Gov. Cherry sa rice on credit ng NFA, aprub sa SP sa unang pagbasa

November 9, 2016

3 TRICYCLE MULA SA BINGO BONANZA NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN, NAIUWI NG MGA CABANATUEÑO

3 TRICYCLE MULA SA BINGO BONANZA NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN, NAIUWI NG MGA CABANATUEÑO

February 8, 2017

CRT Cabanatuan City, naglaan ng comfort room para sa mga LGBTQ students

CRT Cabanatuan City, naglaan ng comfort room para sa mga LGBTQ students

September 10, 2019

PNOY, pinangunahan ang ceremonial switch-on ng 1,197 sitio sa Central Luzon

PNOY, pinangunahan ang ceremonial switch-on ng 1,197 sitio sa Central Luzon

February 26, 2016

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .